Aug 19, 2017


Karahasan, ikaw ba'y may hangganan
Anong sagot ang may katiyakan
Kung ang iyong anak ay pinaslang ng walang pagaalinlangan
Puso mo ba'y masusugatan
Pangarap mo ba'y maiiga at mauubusan ng mitsa

Kasakiman, kailan ka ba magwawakas
Kailan kaya sa kalsada'y magbibigayan
Katarungan ba'y mananatiling isang kabiguan
Liwanag, halinhan mo naman ang kadiliman oh

Bawat isa'y may pananaw
Naniniwalang siya ang tama
Bawat isa'y may solusyon, kung mapakikinggan lamang

Pagod na
Ilang dekada na
Ilang daang taon na
Sino ba talaga ang takapaghatid ng pagasa
Sino ba ang tunay na tatapos sa laban

Ang ilan nga ay ninanais na minsan ay sumuko
Misyon sa palagay ay tapos na
Wala na yatang pagasa

Ang mundo'y hitik sa kasamaan
Pero hindi lahat ay umaamin
Na ang tanging dahilan - ikaw at ako kasi ang naninirahan
Sibilisado man o walang pinagaralan
Puso natin ang siyang problema
Hanggang sa kagulod-guluran ay makasalanan

Kaya nga Ikaw
Hinayaan Mo na Iyong Anak ay mapaslang
Kahit puso Mo'y masugatan
Upang pagbayaran ang utang na pilit naming pinag-iipunan
Hindi naman namin kaya

Ikaw ang tumubos sa buhay ko na dati ay patapon
Sa kamatayan ng Iyong Anak, ang kamalian ko'y naitama
Sa Kanyang pagkabuhay muli, pagasa at kaligtasan ko'y nakamit
Wala na akong ibang gusto
Kundi ang kapwa ko'y maranasan rin ang iyong pagibig

Baka itong kapitbahay ko
kung makilala Ka rin hindi lang sa isip kundi pati sa puso
At mahalin Ka rin nya
Baka sakaling may mabago sa mundo
Kahit konti lang
.......

Popular Posts